Buhay Sa Likod Ng Rehas

Noong college ako, since Communication Arts ang course ko, isa sa mga projects namin ang mag-produce/direct ng documentary. Tatlong kwento ‘yung gustong-gusto kong i-dokyu no’n, (1) Supernaturals, (2) Prostitution at (3) Life in Prison. Aware naman akong hindi madali ‘tong mga napili kong topic pero ibang klase talaga ‘yung kagustuhan kong magawa ‘to, siguro marahil ay dahil na rin sa curiosity.

Third Year – First Sem noong makapag-produce/direct ako ng Radio Documentary entitled Third Eye. Malinaw naman kung saan patungkol ‘to dahil sa title pa lang. Very curious kasi ako sa ganyang usapin. Bata pa lang, mahilig na talaga ako sa horror stories, movies and books. So ayun, nagawa ko ‘yung isang topic na gusto ko. Na-nominate pa nga ito for Best Radio Documentary, hindi nga lang nanalo. Pero okay na rin, ‘yung feeling na lang na ma-nominate ‘yung gawa mo/niyo ng mga ka-grupo mo, masarap na sa pakiramdam.

Third Year – Second Sem, TV Documentary naman ang kailangan naming ma-produce. Syempre, nando’n na naman kami sa punto ng pagco-conceptualize, pasa ng proposed topic, swerte muna kung i-approve agad pero madalas nare-reject.. sinasauli at pinapa-ulit o pinag-iisip ka pa ng iba. Hindi ko na matandaan kung naglakas-loob ba kong isulat at ipasa ‘yung dalawang natitirang topic na gusto ko. Feeling ko, hindi. Maliban sa alam kong mahirap, hindi kami papayagan, natatakot din akong mapag-tawanan lang. Sa madaling sabi, hindi ako naging isa sa mga ma-swerteng tao na inaprubahan ang topic for TV Documentary pero naging Asst. Director naman ako.

Pangarap ko talagang makapag-interview ng GRO at bilanggo. Masyado kong nacu-curious sa kwento ng buhay nila. Kumbaga, gusto kong malaman ‘yung back story nila. Hindi naman siguro nila gagawin ang pagbebenta ng laman o puri ng ganon-ganon lang, hindi rin naman kasi lahat ginusto pasukin ang bagay na ‘to. ‘Yung iba napapasubo na lang talaga.. parang sa pagkaka-bilanggo, hindi naman siguro lahat ginustong gumawa ng masama, ‘yung iba kasi diyan napagbibintangan at nadadamay lang. Well, sino bang gusto maging prostitute at prisoner, di’ba? Wala naman. Sino bang gusto ng mapait na lasa ng buhay? Lahat naman tayo gusto ng masarap na pamumuhay, ‘yung kahit simple lang, basta naitatawid ang pang-araw-araw sa malinis na pamamaraan.

Nitong nakaraang Martes, kinailangan kong pumunta sa Pasay City Hall para kumuha ng cedula at police clearance. Nagpasama ako sa mama ko. First time ko do’n at hindi lang pala ‘yon ang first time kong mararating. Tapos na ko sa cedula kaya’t pinapapunta na kami ng mama ko sa likod ng City Hall, nando’n daw kasi pina-process ang police clearance.. sa may likod ng kulungan. “Ha? Likod ng kulungan?”, una kong naging tanong sa sarili ko matapos sabihin sa’kin ng isang empleyado. Sige, go lang ako. Tinanong ko si mama kung alam niya, alam naman daw niya. Saglit na lakad lang ay natanaw ko na ‘yung tarpaulin na ‘Police Clearance’ sabay may arrow na nakaturo sa left side. Dire-diretso lang ako at sa paglalakad ko, hindi ko inaasahang literal na likod nga siya ng kulungan. Buong akala ko, likod nga pero may malaking pader para hindi makita ang sinumang bilanggo na nakakulong doon. Hindi pala. Hindi ko maitago sa sarili ko ‘yung takot na nararamdaman ko no’n. May mga sumisitsit sa bintana, tumingala ako ng matagal, hinanap ko kung sa’ng bintana nanggagaling ‘yung sitsit pero hindi ko makita. Dahil sa kasikatan ng araw ng mga oras ding iyon, hindi ko maaninag masyado ang mukha nung mga taong nakikita ko sa bintana, malinaw lang sa mga mata ko na wala silang suot na t-shirt. Ang dami kong naisip sa mga sandaling nakatingin ako sa itaas at patuloy sa paglalakad. Narating ko na ang kumpol-kumpol na taong kumukuha rin ng police clearance nila ng biglang nanlaki ang mga mata ko’t natulala sa aking nakita. ‘Yung crush ko! ‘Yung isa sa mga childhood crush ko, kitang-kita ko sa harapan kong naka-posas at nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt. Nagulat akong matagal na pala siyang nakakulong pero mas nagulat ako nung makita kong ang gwapo na niya ulit. Napaka-linis niyang tingnan sa mukha at suot niya. Malayong-malayo sa dati niyang itsura noong nasa labas pa siya mula nung.. sabihin na nating nalihis siya ng landas. Labas-masok na rin siya sa kulungan no’n, ayon sa mga kwento, dahil daw sa pangsa-snatch, pandurukot, masamang bisyo at hindi ko alam kung may katotohanang nakapatay pa siya. Sa loob-loob ko ay masaya akong nakitang bumalik ‘yung gandang-lalaki niya, na mukhang mas mabuti pa ang lagay niya sa loob kesa noong nasa labas pa siya. Pero biglang napawi ‘yung saya na naramdaman ko nung marinig kong sinabi niya sa kasama niyang “Gusto ko ng umuwi sa’min.” habang nakangiti. Isang bakal na harang lamang ang pagitan naming dalawa. Naka-posas siya kasama ang mga iba pang bilanggo papunta sa hindi ko alam kung saan. Hindi niya ako napansin at kung nakita man niya ko, hindi ko alam kung kilala niya pa ba ko. Noong nakakalaya pa kasi siya, madalas ko siyang makita tuwing galing akong school sa sakayan ng tricycle sa may amin, kasama ang mga kaibigan niya tapos tatawagin niya akong ‘Friendster’ kahit na uso na noong time na ‘yon ang Facebook at walang-wala na ang Friendster. Friends daw kasi kami sa Friendster at friend ko rin siya sa Facebook no’n bago ko naisipang mag-filter ng friends list ko.

Ang dami ko ng sinabi pero wala pa rin ako sa punto kung bakit naisipan kong i-blog ‘to. ;p

Habang nagta-type at nag-iisip ako ng gusto ko pang sabihin, lumilipat-lipat rin ako maya’t-maya sa kabilang window para naman tingnan ang mga pictures na nakikita kong itsura sa loob ng bilibid. Nakakatakot.. nakakalungkot.

Hindi ko gaanong mabibigyan ng hustisya ang saloobin ko kung iba-base ko lamang sa mga litratong nakikita ko ang lahat ng magiging opinyon ko kaya’t minabuti kong manood ng dokumentaryong patungkol dito. i-Witness, Lockdown: Selda Diyes, dokumentaryo ng nag-iisang Jay Taruc (I’M A FAN!). Kung labas ng Pasay City Jail lang ang narating ko, Antipolo City Jail naman ang pinasok niya. Hindi ko maintindihan kung ano’ng mararamdaman ko habang pinapanood ang episode na ‘to. Naghahalong awa, lungkot at pagsisisi para sa kanila. Ano nga ba ang buhay sa likod ng rehas?

Maraming patakaran sa loob ng bilibid at kahit pa sa mga kanya-kanyang selda ay mayro’n din silang sariling patakaran na dapat sundin, mga obligasyon o responsibilidad na dapat gawin gaya na lamang ng paglilinis, pagluluto at ilang mga livelihood projects para sa kanilang libangan. Walang mahirap o mayaman sa loob ng piitan. Hindi rin nasusukat sa bigat o gaan ng kaso mo ang magiging gawain mo pero alam naman nating nasa tagal ng sistensya kung ga’no kabigat ang naging kasalanan mo.

9:30PM ay pinapatay na ang ilaw sa bawat selda, kailangan lahat ay nakahiga na dahil ito’y oras na ng pagtulog ng mga inmates. 5AM kinabukasan ay kina-kailangan na nilang bumangon at sabay-sabay na nagdarasal. Ang ilan din ay nag-eehersisyo bago gawin ‘yung mga trabahong nakaatas para sa kanila. Hiwalay ang kulungan ng mga babae, lalaki at maging mga bakla. Nagkakaro’n din sila minsan ng konting katuwaan at kasiyahan sa loob ng bilibid. Pinapayagan sila ng mga jailers na magkaro’n ng kantahan, sayawan o mga palaro man. Nakatutulong na rin ito para maibsan sandali ang kanilang kalungkutan at pangungulila sa pamilya.

Ang hirap maging isang bilanggo. Limitado ang lahat ng kilos mo, hindi mo magawa ang lahat ng gusto mo. Pisikal at emosyonal ang hirap na mararansan mo. Para kang isang ibon na nakakulong sa hawla at ‘yung pakiramdam mo ‘pag nakalaya ka na.. ay para ding ibong na walang kasing-taas ang paglipad at ‘yung tuwa mong mapagmasdan ang bawat lugar na makikita’t-madadaanan mo. Minsan ang mali natin, mabilis tayong manghusga sa mga gaya nila. ‘Pag nalaman nating ex-convict, hindi na natin binibigyan ng pagkakataon para makapag-paliwanag o makapag-bahagi sila ng kwento nila. Basta preso, masamang tao o kriminal na agad ang una nating nagiging impresyon. Masyado natin silang dini-discriminate na nagiging unfair tayo para sa kanila. ‘Yung kaso agad nila ‘yung iniisp natin pero hindi natin naitatanong kung ano’ng dahilan bakit nila nagawa ito.

Overpopulated na ang halos lahat ng piitan dito sa bansa ayon sa mga nababasa’t napapanood ko. Hindi gano’n kadali para sa gobyero natin na mabigyan sila ng kahit konting kaginhawaan. ‘Yung gaya lamang ng kumportableng mahihigaan, malinis na palikuran, sapat na pagkain at maayos na trato. Maswerte na lang talaga ‘yung iba na hindi sila kabilang sa mga daan-daang presong nagsisiksikan sa loob ng malaking selda na hindi na kaya ang dami nila. Nand’yan ‘yung mga nagkakasakit na dahil sa dumi na nakukuha sa paligid at pagkakahawa-hawa ng sakit sa iba pang bilanggo. May mga preso na nag-aantay para sa mga dalaw nila, paglaya at may mga nag-aantay na rin lang sa kanilang pagpanaw.. ito ‘yung mga nasistensyahan ng panghabang-buhay na pagka-bilanggo. Hindi rin naman na ‘pag sinabing bilanggo, eh, masama na ka’gad. Mayro’n diyan nakulong dahil sa maling bintang lang, nadamay at wala na ngang nagawa.

Sa panonood ko ng mga dokumentaryo, hindi ko lang nakikita ang kwento ng bawat tao pero marami akong natututunan. Nadadala ako sa bawat istorya na ibinabahagi sila, nararamdaman ko ‘yung ako ‘pag nasa kalagayan nila. Lahat naman ng tao nagkakasala, hindi nga lang lahat nagkaka-parehas sa bigat ng pagkakamali. Kaya lahat naman tayo pwedeng magbago matapos gumawa ng pagkakamali na ‘wag na sanang sundan pa ng isa pang pagkakamali at piliing itama na lamang ito. Nasa sa’tin naman na ‘yon kung bukas ang puso natin para sa pagbabagong nais natin. Mali ang manghusga agad tayo kahit pa ga’no ka-kriminal na maitatawag ang isang tao dahil sa bawat krimen o kasalanan sa batas na ginawa nito. Tandaan nating may dahilan at kwento kung bakit sila naudyok at humantong sa gano’ng punto. Hindi lahat ng nasa loob ng bilangguan ay masasamang tao dahil hindi rin naman lahat ng taong nasa labas at nakalalaya ay mabubuting tao. Hindi man naging maganda ang imahe nila sa lipunan pero hayaan natin silang magpakabuti sa loob ng kulungan. Maliit man ang mundo nila sa loob ng bawat rehas, hindi man nila makita ‘yung ganda ng buong paligid pero nakatutuwang isiping may nabubuong pamilya at kapatiran sa loob ng piitan.

Ilan sa mga terminolohiya sa loob ng bilangguan:

  • Tarema – kama o higaan
  • Buyon – palikuran o banyo
  • Mahinarya – bantay sa pinto or sa loob ng selda tuwing gabi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s